Kultura at Pag-asa Laban Sa Sakuna: Batik Atbp Kolektib

Isa sa mga pinakaapektadong sector ng ekonomiya ngayong panahon ng pandemiya ay ang Tourism industry. Dahil sa paglockdown sa iba’t ibang lungsod ng Pilipinas at ng karamihan sa mga bansa, nawalan ng pang kabuhayan ang karamihan ng mga Indegenous People (IP) sa hilagang Luzon na nakadepende sa industriyang ito.

Sa kadahilanang ito, naisa-plano ang pag likha ng Batik Atbp, isang kolektib na ang layunin ay maipamahagi sa buong Pilipinas ang yaman ng kultura at galing ng paglikha ng bukod tanging handwoven textiles sa Northern Luzon.

Ang mga handwoven fabric ay gawa ng iba’t ibang mga weavers mula sa Kalinga, Benguet, Mountain Province, Apayao at Abra. Dito ginagawa ang mga tradisyonal at modern na patterns ng tela na inihahabi gamit ang handweaving technique na naipamana ng kanilang mga ninuno. Kaya naman kahit 2020 na, patok parin ang mga cultural textile gems na ito.

Bukod pa sa pangangalaga ng kultura ng paghahabi, isa rin sa dahilan ng pagkakakilanlan ng Batik Atbp ay ang layunin nito na makatulong sa mga Indegineous people weavers na working students, mga kababaihan at PWDs sa naturang mga lugar. Sa makatuwid, isa sa mga weaving group na kasapi sa kolektib ay binubuo ng mga deaf and mute women.

Iba’t ibang klase ng mga disenyo ng patterns at kulay ang inihahabi ng iba’t ibang tribo at bawat pattern ay may kanya-kanyang kuwento na historically and culturally significant sa bawat tribo kaya ang bawat textile piece ay masasabing nating Northern Culture in cotton.

 May mga disenyong hindi ihinahabi ng mga IP sa kadahilanang itong mga disenyo at patterns na ito ay sagrado o kaya strictly for tribal occasions lang. Ang mga disenyo naman na maaaring mailabas sa IP community ay ang mga gagawing iba’t ibang handwoven products gaya ng face masks, scrub set, scarf set at bags.

Maituturing ang Batik Atbp na isang “one-stop-shop” pagdating sa mga culturally and aesthetically significant na tela dito sa Northern Luzon. At nakakataba ng puso isipin na ang ginagawa namin sa Batik Atbp ay parehong nakakatulong sa almost 300 pamilya sa iba’t ibang probinsya at sa pagpagpapasigla ng kultura ng paghahabi ng tela.

Tunay na mahirap ang pinagdadaanan natin ngayon dulot ng Covid19, marami sa mga bagay na nakasanayan natin ay di na magagawa ngayon gaya ng dati. Ngunit naniniwala kami sa Batik Atbp na ang makapagliligtas satin sa mga panahong ito ay ang pagmamalasakit at bayanahin.

Tulad nga ng kasabihan, “Tayo tayo lang din naman ang magtutulungan.”

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published